Sunday, November 16, 2008

The Friendster Problem

Sa totoo lang, marami akung ideya ngayon na masarap sana isulat kaya lang, naisip ku na dahil isyu tu ngayon, makakarelate ang madaming tao. Pwera na lang siguro dun sa mga taong hindi pa alam na naimbento na ng tao ang kompyuter at internet.

Gabi ng Biyernes nun at nasa opisina pa aku. Mga alas diyes na yun at wala na kung studyante kaya ginagawa ku na yung bidyo (Ang hirap magtagalog pota~~) ng kaarawan ni Jing. (Gustu niyu makita? Klik kayo dito.) Medyo seryoso aku nun at bigla akung tinanong ng isa kung katrabaho, si Claire, ng "Uy, anung nagyayari sa Friendster?".


Hmmm. Sinubukan kung silipin ang website (Ahhh, suko na ku~~) sa aking kompyuter. Ayaw nga maakses. Sinabi ku na lang na baka naman inaayos lang yung website.


Sa totoo lang, hindi aku isang dakilang tagasubaybay (Fan. Tama ba?) ng nasabing website. Mas iniintindi ku pa yung Multiply at yung blog ku. O di kaya ay manonood na lang aku sa Youtube ng kung anu-ano kesa aksayin ang oras ku sa pag tingin sa propayl ng mga kaibigan ku na minsan lang rin naman nagbabago. Ginawa ku lang ang akawnt (Mahirap talaga magtagalog. Seryoso.) ku doon para lang may madaling paraan para makausap ku lahat ng kaibigan ku.


Nung gabi rin na yun, marami ang nagtetext at nagpapadala ng personal na mensahe sa akin sa Yahoo! Messenger at nagtatanong kung nabubuksan ku daw ba yung website. Malaking aksaya sa enerhiya kung sasagot pa ku ng hindi. Wala naman din akung gaanong pakialam sa problema na yun. Napakaraming mas mahalagang bagay ang dapat kung bigyan ng pansin.


Linggo na ng gabi ngayon. Marami na ang kakalog-in sa website pero may mga reklamo sila. May mga nagtetext pa rin. Nagpapadala ng mga personal na mensahe sa YM. May mga nagsulat sa mga blog nila. May mga nagsulat ng buletin. Nabura daw ang mga kaibigan nila. Wala na raw ang mga komento sa mga pahina nila. Nakakatawa talaga. Naisip ku na, "Bakit kaya hindi aku nag-aalala sa akawnt ku sa Friendster?". Tama lang yata na ganun di ba?


Magsigising nga kayo. Mas maraming mas mahalagang dapat niyung isipin. Hindi kaya nagiging alipin na tayo ng internet? Sa totoo lang, naisip ku na bakit ngayong may problema ang Friendster, nagwawala ang karamihan ng mga pinoy (mga 88% ng buong populasyon). Eh yung bansa natin daming problema hindi niyu man lang binibigyan ng pansin. Yan pa ang pinili niyung pag-usapan kesa yung mga problema na nakikita niyu na dapat sana ay iniisipan niyu na ng paraan. Matalino raw ang mga Pilipino. Minsan, kahit aku, nahihirapang maniwala dun.

1 comment: