masaya tayo diba? diba? sana oo parin sagot mo, pero, alam kong tagilid tayo sa tanong na yan.
naalala mo yung nug pumasok ka ng bse? yung unang pasok mo? diba pula pa yung bag mo nun? tapos may nakasabit na mp3 player leeg mo? akala ko nun, naligaw ka lang ng pasok ng room. yun pala kaklase pala kita. anu yung sinabi mong kanta na pinapatugtog sa player mo? “i caught fire?”..
tapos diba nagkatinginan pa tayo? sabi mo nga sakin nerd ako, haha, pwes nagkakamali ka. tapos diba, hindi pa tayo kaagad nag usap noon? lagi kong nakakalimutan kung kelan ka unang pumasok, ngayon palagi ko nang maalala, january 10.
yung unang pag uusap natin, naalala mo? yung binara mo sa sudoku si alister? dun ata ako nagkacrush sa yo, kasi nakakatuwa ka. tapos, sa pag uusap natin, nakuha ko yung number mo.
naalala mo yung unang pinakamahabang usapan natin sa ayala bridge? lumiit ang mundo natin kasi may common friends tayo.
ang init, ang lakas ng hangin ng oras na yun, pero, nananayo ang balahibo ko. kung bakit, ewan ko.
naalala mo yung nung unang beses kita tinext? yung halos di tayo matulog? diba, si ranma ang isa sa mga unang pinagusapan natin? tapos kinuwento ko sa yo na hawak ako sa leeg ng ibang tao noon?
naalala mo yung unang gawaan natin noon ng report? yung nagalit ka sakin, yung nilayuan mo ako nung asa liwasang bonifacio tayo? naalala mo ba yung unang punta ko sa bagac? yung naka orange ako tapos naka college shirt ka ng engineering? naalala mo ba yung unang iyak ko dahil dun? at yung unang beses na halos mawala ka nun?
at yung unang araw na tinawag mo akong my at hindi jin?
naalala mo ba yung tatlong oras mo akong hinantay dahil sa eleksyon noon? at nung hinantay mo ako dahil sa lumaban ako noon sa klase ni gabelo?
naalala mo ba yung wala na akong naisip na paraan para tapusin yung konplikasyon? diba ang hirap, na yung mga kailangan mo hindi mo makuha, kasi hawak na ng iba, kahit di naman na dapat sa kanila?
naalala mo ba yung romeo ang juliet? ang hirap isipin na yung nakikita ko yung posibilidad na maaaring naging kayo.
hindi ko alam kung anung ginawa ko sa dalawang buwan na nawala ka. baka nawala din ako.
naaalala mo pa ba yung tinanong kita, umuulan, naglalakad tayo, kahit pareho tayong may pamasahe? natatakot akong ‘hindi’ ang sagot mo, pero buti na lang at oo parin.
naalala mo ba yung lahat ng away natin, na laging ikaw ang umiintindi at nag sosorry kahit halos laging ako ang nagsisimula?
naalala mo ba yung pinaglaban mo ako, sa sarili mong paraan? na kahit alam mong pareho tayong masasaktan, nagsugal ka?
yung unang gabing ang tagal natin sa walls. ang lamig, pero ang ganda ng langit. ang saya ng mga ilaw. ang tahimik. nung pinahawak mo sakin yung dibdib mo, parang pinahawak mo sakin yung nararamdaman mo. parang masaya kang nararamdaman mo yun.
naalala mo ba lahat ng napanood natin? lahat ng binigay mo?
ako lahat lahat naaalala ko.
lalo na tuwing iiyak ako, papahirin mo yung luha ko, tapos sasabihin mo, “ayokong umiiyak ka, tama na”..pag nagagalit ako sasabihin mo “hayaan mo na sila, tama na”..pag nagagawa ko ng tama yung mga bagay bagay sinasabi mo “i’m proud of you”..yung mga linya mong “ako nga, nadapa” pag masyado na akong madaming sinasabi..yung mga titig mo sakin na kala mo hindi kita nahuhuli pag tinitignan mo ako, yung mga higpit ng hawak mo sa kamay ko, yung mga yakap mo pag natatakot ako, yung luha na bihirang bihira kong makita pag kasama kita..yung tawanan natin kahit bihira kang tumawa sa mga biro ko, yung pagiging totoo ko pag kasama kita, yung pagintindi mo sa lahat ng nagagawa kong mali..
yung lahat ng binubulong mo, yung lahat ng ginagawa mo para mawala yung takot ko.
ang dami nang nagyari diba? minsan nga naisip ko, ang bilis, hindi natin namamalayan, isang taon na. nakaktuwa, pero totoo..
patawad kung minsan naisip kong huminto. sinabi mong kailanman di ka napagod. natutuwa ako, kasi kahit na ang bigat na ng nagawa ko, hindi mo parin yun naisip gawin. salamat talaga.
sana nagtitiwala kang hindi ako hihinto. kilala mo ako, mareklamo ako pero hindi ako humihinto. hindi ako mapapagod. mag aantay ako.
ang dami kong nasabi. madami pa nga akong dapat sabihin eh.
madami pa akong gustong gawin na kasama ka. sana mapagbigyan mo ako. ayoko nang mangyari yung nangyari dati.
saka, ano, aalagaan kita. hindi ako ganon kagaling magluto, at mas lalong hindi ako marunong magplantsa, pero, kaya ko maglinis, at lalong kaya kong makinig. handa akong makinig.
ang dami mong nabago sakin. sa dami hindi ko nga mabilang. sana ganun din ang nagawa ko sa yo. sana patuloy nating sabihin na hindi natin kaya pareho na wala ang isa at isa. kasi totoo.
lagi akong andito. alam mo yan. kaya kong mag antay. kasi alam kong babalik ka.
aalis ka na dala mo ako.
No comments:
Post a Comment