Tuesday, April 14, 2009

Maglaro Tayo.

Masaya to.

Pili ka ng taong tititigan mo ng matagal.
Tapos patagalan kayong magtitigan.
Yung maunang kumurap, talo.

Trip kayo ng kaibigan mo.
Tapos pahabaan kayo ng malalakad.
Sundan niyo yung linya ng MRT.
Yung mauunang magtext na uuwi na lang siya, talo.

Inuman kayo ng barkada, tapos may pusta.
Paramihan kayo ng baso ng granma
Yung mauunang matumba, talo.

Apply kang sales agent.
Paramihan kayo ng mabebenta.
Yung mauunang magresign, talo.

Mag PANTS, yung larong classic na pambata.
Yung mauunang umayaw dahil boring yung laro, talo.

Patagalan kayo ng bespren mong tumitig sa araw.
Yung unang maluha at mabulag, talo.

Ok lang naman na may side effects yung trip.
At least, panalo ka.
Ang importante, panalo ka.

No comments:

Post a Comment